QUEZON CITY, Philippines -
Nov. 6, 2025 -
PRLog -- Pinarangalan kamakailan ng Intellectual Property Office (IPO) ang Pascual Laboratories, Inc.'s (PascualLab)
at institutional co-patentees nito para sa tatlong (3) ekslusibong nutraceutical patents ng grupo sa 10th Year Anniversary ng Technology Transfer and Business Development Office ng U.P. Manila. Tinanggap ng grupo sa pangunguna ni PascualLab Research & Development (Herbal) head Reginald Philip Alto ang parangal na iginawad para sa collaborative research ng grupo sa ilang mga halamang matatagpuan lamang sa Pilipinas, kabilang na ang methods of preparations – lahat sinaliksik at sinuri sa ilalim ng Department of Science and Technology (DOST) Tuklas-Lunas Program. Ayon sa IPO (Republic Act No. 8923 or Intellectual Property Code), ang ekslusibong patents na ito ay nangangahulugang ang PascualLab at co-patentees nito ay may eklusibong karapatan sa intellectual property ng mga naturang formulations at methods sa susunod na 20 years simula noong filing date. Ang parangal ay magpapalakas pa ng intellectual property portfolio, pati na rin ng product offerings ng kumpanya sakaling ma-apruba at mailabas na ang mga formulations bilang produkto sa merkado. Ang PascualLab ang kumpanya sa likod ng mga brands tulad ng Poten-Cee vitamin C, Ascof Lagundi, C-Lium Fibre food supplement, OraCare Mouthrinse, at iba pa.
Source:
https://ttbdo.upm.edu.ph/