Follow on Google News News By Tag Industry News News By Location Country(s) Industry News
Follow on Google News | Sunod-sunod ang mga rebelasyon sa nalalapit na pagtatapos ng “Magkaribal” sub-titled sa TFCMasamang balak ni Angel Aquino bilang Vera, laban sa magkapatid na si Gretchen Barretto bilang Victoria at Bea Alonzo bilang Gelay, malalaman na
Sa unang linggo, malalaman na ni Gelay (Bea Alonzo) na nagpapanggap lamang na kapos sa pera si Vera (Angel Aquino) na siya ring duda ni Mang Hermes (John Arcilla). Sinamantala naman ni Victoria (Gretchen Barreto) ang pagkakaalam ng mga kinauukulan na isang con artist ang partner ni Gelay na si Mark Laurel (Edward Mendez) at pinapapalitan ang halos lahat ng bahid ng atelier ni Gelay sa nalalapit na Metro Fashion Wear nila. Mapapanood ang episode sa July 5 (July 6 Pacific time). Tuloy-tuloy ang rebelasyon at lalo pang titindi ang hinala ni Gelay na may pinaplano si Vera sa susunod na linggo sa July 12 (July 13 Pacific time) sa TFC worldwide. Narinig mismo ng kaibigang si Gigi (Bianca Manalo) ang pag-uusap nina Vera at Victoria. Bukod kay Gigi, malalaman din ng dating assistant ni Vera na si Donna (Nina Ricci Alagao) ang tungkol sa pagkatao ni Victoria at Gelay. Sa linggong ito rin malalaman ang pag-aresto kay Mark na mapipilitang aminin ang lahat. Sa ikatlong linggo, habang nagiimpake si Gelay sa kaniyang atelier, hihingi ng tawad si Mark. Gusto ring talikuran ni Gelay ang fashion show nila ngunit may kontrata siyang pinirmahan sa Metro magazine. Nakiusap naman si Louie (Derek Ramsay) para tantatanan na ni Victoria ang dating kasintahan. Samantala, pilit ding umaapela si Caloy (Enchong Dee) para sa isa pang pagkakataon kay Chloe (Erich Gonzales). Matutunghayan ang episode na ito sa July 19 (July 20 Pacific time). Sa huling linggo (July 26 worldwide at July 27 Pacific time), malalaman din ni Vera na nagtratrabaho ang dating assistant na si Donna para kay Victoria. At sa isang sorpresang pangyayari, tinanggap ni Louie ang alok ng kalaban sa competition na ipatalo ang laban para makakuha ng pera na pantulong kay Gelay sa kaniyang fashion show. Mas kapana-panabik ang mga susunod pang pangyayari sa nalalapit na pagtatapos ng “TFC Sub-titled Classics presents: Magkaribal” tuwing Sabado (Linggo Pacific time) sa TFC para sa mga non-Filipino speaking viewers worldwide. Panoorin ang nalalabing episodes ng “Magkaribal” End
Account Email Address Account Phone Number Disclaimer Report Abuse
|