Forevermore, patuloy sa pagbahagi ng tamis ng 'first love' sa TFC

Bahay ni Liza Soberano sa ‘Sitio La Presa,’ isa ng tourist spot sa Benguet; Kilig-serye, wagi sa Philippine primetime at online views worldwide
 
QUEZON CITY, Philippines - Jan. 21, 2015 - PRLog -- Walang makakatanggi sa tamis at kapangyarihan ng pag-iibigan nina Xander (Enrique Gil) at Agnes (Liza Soberano) sa kilig-serye na “Forevermore” sa The Filipino Channel (TFC) dahil patuloy itong namamayagpag sa primetime ratings sa Pilipinas, nakakakuha ng matataas na online hits, at gumawa ng ingay sa social media worldwide.

Base sa latest data mula sa Kantar Media Philippines (television audience measurement provider), nakakuha ang serye ng Philippine TV rating na 25% o higit sa nakuha ng kalabang programa ng ibang Filipino networks.  Patuloy din ang paggawa ng ingay ng “Forevermore” na makikita sa online hits sa pamamagitan ng official online service ng TFC, ang TFC.tv.  Bukod pa sa mataas na rating nito, sumikat rin ang site location ng programa kung saan nakatira ang karakter ni Soberano, ang Sitio La Presa sa Tuba, Benguet (Luzon).

Sitio Pungayan ang orihinal na pangalan ng Sitio La Presa pero dahil ito ang ipinangalan ng programa, sumikat na ito sa mga denizens na nagpatibay pa lalo sa matatag ng turismo ng probinsiya.  Base sa report mula sa abs-cbnnews.com, dinumog ng mga tao ang Sitio La Presa noong holiday season ng nakaraang taon para makita ang kabahayan ng Sitio La Presa at maki-selfie sa cast.  Bukod pa sa Sitio La Presa, sumikat pa lalo ang mga tourist spot gaya ng Burnham Park, Wright Park, at The Manor, na pinangalanang Hotel Grande sa programa at pagmamay-ari ng pamilya ng karakter ni Gil.

Patuloy na kiligin sa tamis ng 'first love' sa “Forevermore” sa TFC worldwide mula Lunes hanggang Biyernes (Martes hanggang Sabado, Australian Daylight Savings Time o ADST, New Zealand Daylight Savings Time o NZDT, at Guam time).  Maaari ring mapanood ang kapanapanabik na mga episode sa pamamagitan ng TFC.tv pagkatapos ng Philippine airing nito o sa pamamagitan ng video-on-demand o VOD at Internet Protocol television o IPTV service na available sa U.S.A., Canada, Europe, Australia, New Zealand, at Japan.

Contact
ABS-CBN Global Ltd.
***@abs-cbn.com
End
Source: » Follow
Email:***@abs-cbn.com Email Verified
Tags:Tfc, Forevermore, Liza Soberano, Enrique Gil, Sitio La Presa
Industry:Entertainment, Media
Location:Quezon City - Metro Manila - Philippines
Subject:Awards
Account Email Address Verified     Account Phone Number Verified     Disclaimer     Report Abuse
Page Updated Last on: Jan 21, 2015
ABS-CBN Global Ltd. PRs
Trending News
Most Viewed
Top Daily News



Like PRLog?
9K2K1K
Click to Share