Victoria police, nasabat ang daan-daang pekeng ABS-CBN DVDs sa isang raid sa Australia

Pinakamalaking taga-benta ng mga piratang ABS-CBN / Star Cinema films sa eBay, natagpuan na
 
SAN FRANCISCO - Nov. 5, 2014 - PRLog -- Nasabat ng Victoria Police sa Australia ang daan-daan na piratang ABS-CBN DVDs, DVD burners, at mga computer hard drives na naglalaman ng ABS-CBN movies sa tahanan ni Mary Smith sa Barooga, New South Wales, Australia.

Nakasuhan si Smith ng isang count ng fraud, isang count ng dealing with property suspected to be the proceeds of a crime, at isang count ng selling infringing copies of works.

“Si Smith ay isa sa pinakamalaking tagabenta ng pirated na ABS-CBN/Star Cinema movies sa eBay.  Ang pamimirata ay isa sa mga maseselang isyu para sa ABS-CBN at Star Cinema na aming tinututukan dahil sa nais naming magkaroon ng quality viewing experience ang aming mga manonood at hindi nila ito makukuha sa pirated copies.  Nagpapasalamat kami sa suportang ibinigay ng Australian Police at umaasa kami sa magiging resulta ng kaso laban sa piratang ito,” ani ABS-CBN Assistant Vice President of Global Anti-Piracy Elisha Lawrence.

Ang search at seizure sa tahanan ni Smith sa Australia ay isa sa mga masusing anti-piracy efforts ng ABS-CBN Global.  Kamakailan ay nakamit ng ABS-CBN ang US$10 million judgment mula sa U.S. Federal District Court sa Oregon laban kay Jeffrey Ashby sa inihain sa kaniyang copyright and infringement case.  Si Ashby ay walang pahintulot na nagpapalabas ng mga shows at movies ng ABS-CBN sa kaniyang mga websites gaya ng watchfilipinotv.com, watchfilipinomovies.com, at pinoytalaga.com.

“Walang humpay na tutugisin ng ABS-CBN ang mga piratang ito sa ilalim ng isinasagawa naming worldwide anti-piracy campaign,” ani ABS-CBN Global COO Raffy Lopez.
“Pinapangalagaan namin ang mga palabas ng ABS-CBN at ang aming consumers, lalo na sa online community dahil mas exposed sila sa risk ng malware infections dito.  Ang pamimirata ay hindi isang biro at may kaukulang legal na implikasyon.  Ipinapakita namin na sa ABS-CBN na ang bawat palabas ay pinagpapaguran at nagbibigay ito ng kasiyahan na di matatawaran para sa aming manonood.  Bukod dito, malaki ang respeto namin sa konsepto ng copyright.

Kamakailan din ay nakipag-ugnayan ang ABS-CBN Crime Stoppers U.S.A. para usigin ang mga pirata.  Sa pagtawag sa 1-800-222-TIPS (847) or sa pagtext ng mga tip sa TIPLA at sa 274637, ang mga magsusumbong ay makakatanggap ng kaukulang pabuya kung mahahatulan ang kanilang naisumbong na pirata.

Media Contact
ABS-CBN Global Ltd.
***@abs-cbn.com
4152272
End
Source: » Follow
Email:***@abs-cbn.com Email Verified
Tags:Tfc, Abs-cbn, Star Cinema, Anti-piracy, pirated DVDs
Industry:Entertainment, Internet
Location:San Francisco - California - United States
Account Email Address Verified     Account Phone Number Verified     Disclaimer     Report Abuse
ABS-CBN Global Ltd. News
Trending
Most Viewed
Daily News



Like PRLog?
9K2K1K
Click to Share