Cinema One Global, isang dekada nang naghahatid ng mga kuwento at obra ng pelikulang Pilipino

Ilan sa mga pinakamagagaling na artista, director, at pelikula makakasama sa ika-sampung anibersaryo ng movie at drama channel ng TFC
 
QUEZON CITY, Philippines - May 29, 2014 - PRLog -- Inihahandog ng Cinema One Global, ang isa sa mga pinaka- tinatangkilik na channels sa The Filipino Channel (TFC) platforms worldwide, ang ilan sa mga pinagpipitaganang direktor, pinakamahuhusay na artista at pinakapinag-uusapang mga pelikula, pati na ang bago nitong on-air look sa ika-sampung anibersaryo nito.

Ni-launch ang Cinema One Global, ang international version ng nangungunang cable channel sa Philippines (Kantar Media) noong 2004 para maihatid ang movie programming na sadyang para sa overseas Filipinos (OF) na hanap ay mga Kapamilya movies at stars.   Noong 2011, inilunsad muli ang Cinema One Global, dala ang pangakong “Kung Saan Ikaw Ang Bida” sa pamamagitan ng marami pang iconic movies, pati na ang marathon ng hit na teleseryes at reruns ng well-loved teleseryes.

Ngayong taon, handog ng Cinema One Global ang bagong pangako, “Saan Ka Man, Lagi Kang Kasama,” mas marami pang pelikula para mga OFs at bago nitong on-air look.

Ayon kay Ned Legaspi, ABS-CBN Global Ltd. Head of Content, “As TFC celebrates 20 years of the ‘galing ng Filipino’ and Cinema One marks 20 years of service in the Philippines, we also mark a decade of stories and people in film which and who, together with Cinema One Global, has made an impact in the life of Filipinos detached from home.  Our tagline speaks of our commitment to be that indispensable part of the path they chose.”

Sa ngayon, ang Cinema One Global ay may 3,500 na movie titles, kasama na ang exclusive rights nito para mag-air ng blockbuster movies ng Star Cinema, ang movie production at distribution company ng ABS-CBN Corporation.  Kasama rin ang mga pinakapinagu-usapang pelikula mula sa naglalakihang movie outfits tulad ng Viva Films, Octo Arts, Seiko Films, Regal Films at iba pa.

Sa ika-sampung anibersaryo nito, handog ng Cinema One Global ang piling-piling mga pelikula, direktor at artistang nagsasabuhay sa mga kuwento at sasamahan ang bawa’t Pilipino sa kanilang ‘paglakbay’ sa labas ng Pilipinas.

Bayaning Pilipino

Bilang pagbibigay pugay sa mga bayaning Pilipino noon at ngayon, handog ng Cinema One Global ang mga movie blocks na Bayani, Team Makabayan, and Mga Bagong Bayani.  Kabilang dito ang mga pelikulang: “El Presidente at “Tirad Pass;”  “Dekada ’70” at “Eskapo,” “Dubai,” at TFC-produced movie na “A Mother’s Story,” ng kilalang director na si John-D Lazatin at tampok si Pokwang.

Red Carpet Premiere
Dahil sampung taon na ang Cinema One Global, handog nito ang television premiere ng mga pinag-usapang pelikula tulad ng “Four Sisters And A Wedding (June 7),” Cinema One Festivals 2011 finalist “Di Ingon, Nato” or Not Like Us (June 14),” breakthrough movie “Tuhog” (June 21) at independent film na “Isda (June 28).

Obra ni Direk
Kasabay ng anibersaryo ng TFC na naniniwala sa “galing ng Filipino,” pinapakita din ng Cinema One Global ang husay ng mga obra maestro: multi-awarded directors na sina Lino Brocka (Tinimbang Ka Nguni’t Kulang), Mike de Leon (Sister Stella L), pati na ang digitally restored “Himala,” at “Oro, Plata, Mata,” nina Ishmael Bernal at Peque Gallaga.

Mga Hari ng Pinilakang Tabing
Bilang pagpugay sa mga hari ng pelikulang Pilipino, ipapalabas din ang mga pinakasikat na pelikula nina Da King Fernando Poe Jr., Comedy King Dolphy, at Bad Boy ng Philippine Cinema Robin Padilla at iba pa.

Kilig Block
Mababalikan ang mga pinaka-romantikong mga eksena sa mga pelikulang pinagtambalan ng mga pinakasikat na love teams sa Philippine show business: Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa “One More Chance,” Gerald Anderson at Kim Chiu sa Paano Na Kaya,” Richard Gomez at Dawn Zulueta sa “Hihintayin Kita Sa Langit,” at Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa “Dear Heart.”

Blockbuster Nights
Inihahandog din ng Cinema One Global ang pinakapinilahang mga pelikula sa pinilakang tabing: “Feng Shui,” No Other Woman,” “Sisterakas,” at “You Changed My Life.”

Sa isang dekadang lumipas, hindi lang sampung taon ng mga artista at pelikulang tumatak sa isipan ng bawa’t Pilipino ang handog ng Cinema One Global kung hindi pati na ang pangakong patuloy nitong pagsama at pagsalamin sa kuwento ng bawat Pilipino sa mundo.

Ang Cinema One Global ay mapapanood sa internet protocol television (IPTV), satellite, cable at online platforms (TFC.tv) sa pamamagitan ng worldwide subsidiaries at affiliates ng ABS-CBN Corporation.  Maki-connect sa fellow global Filipinos worldwide.  Visit facebook.com/KapamilyaTFC /, twitter.com/KapamilyaTFC  and instragram.com/KapamilyaTFC

Contact
ABS-CBN Global Ltd.
***@abs-cbn.com
End
Source: » Follow
Email:***@abs-cbn.com Email Verified
Tags:Tfc, Cinema One Global, FPJ, Kim Chiu, Gerald Anderson
Industry:Entertainment, Media
Location:Quezon City - Metro Manila - Philippines
Account Email Address Verified     Account Phone Number Verified     Disclaimer     Report Abuse
ABS-CBN Global Ltd. News
Trending
Most Viewed
Daily News



Like PRLog?
9K2K1K
Click to Share