Follow on Google News News By Tag Industry News Country(s) Industry News
Follow on Google News | “ASAP Live in Dubai” ng ABS-CBN TFC, ngayong Biyernes na!Higanteng Kapamilya stars, magsasanib-pwersa sa biggest Filipino event sa Middle East
Pakikislapin ang kauna-unahang show ng “ASAP” sa Middle East ng buong ASAP Kapamilya sa pangunguna nina Mr. Pure Energy Gary Valenciano, Concert King Martin Nievera, Ultimate Showgirl Vina Morales, at Divine Diva ZsaZsa Padilla. Kaabang-abang sa “ASAP Live in Dubai” na opisyal na bahagi ng 2014 Dubai Shopping Festival, ang musical experience extraordinaire na handog ng world-class Filipino singers gaya nina Charice, Bamboo, Jed Madela, Angeline Quinto, Erik Santos, Yeng Constantino, KZ Tandingan, Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, Zia Quizon, at ASAP Sessionistas na binubuo nina Aiza Seguerra, Juris, Princess, Richard Poon at Sitti. Makakasama ng ASAP Sessionistas sa kanilang makatindig-balahibong jamming session si Cris Bernardo, ang kauna-unahang nagwagi sa singing competition ng TFC na “TFCKat.” Aapaw ang kilig sa Dubai sa handog na haranang ‘tatak-Kapamilya’ Gagawing mas espesyal ang programa ng mga inihandang sorpresa ng “Be Careful With My Heart” leading man na si Richard ‘Ser Chief’ Yap, “Maria Mercedes” star Jessy Mendiola at “The Legal Wife” team-up nina Angel Locsin at Jericho Rosales. Tiyak na mapapaindak naman ang lahat sa mga pausing dance moves ng ASAP Supahdancers kabilang sina Rayver Cruz, John Pratts, at Iya Villania, at ang MASH duo nina Maja Salvador at Shaina Magdayao. Sina Toni Gonzaga, Nikki Gil, Luis Manzano at Robi Domingo ang magiging hosts ng makasaysayang event ng longest-running musical-variety show ng Pilipinas. Magkakaraoon ang “ASAP Live in Dubai” ng dalawang magkaibang show sa Biyernes—ang una ay magsisimula ng 4 p.m. (2 p.m. magbubukas ang gates), samantalang ang huli ay gaganapin ng 9 p.m. (7 p.m. magbubukas ang gates). Mabibili ang tickets para sa “ASAP Live in Dubai” sa halagang AED 365 para sa platinum, AED 245 para sa gold, AED 165 para sa grandstand at AED 85 para sa general admission. Ang bawat ticket ay valid para sa isang show lamang. Samantala, mapapanood nang libre ngayong Miyerkules (ika-22 ng Enero) ang live coverage ng press conference ng “ASAP Live in Dubai” sa in United Arab Emirates (U.A.E.). Gaganapin ito mula 11 p.m. hanggang 1 a.m. Manila time (7 p.m. to 9 p.m. Dubai time) sa TFC.tv. Mag-register lang sa tfc.tv/ASAPDubai2014. May ‘Special Barkada Promo’ para sa mga bibili ng grandstand and regular tickets samantalang malalaking discounts and freebies naman ang naghihintay para sa mga magiging online ‘ASAP Ambassadors.’ Sa back-to-back shows ng "ASAP Live in Dubai," maaaring bumisita ang audience members sa special booth ng ABS-CBN Store, kung saan makakabili ng event souvenirs gaya ng T-shirts, tumblers, button pins at iba pang novelty items; ASAP official merchandise; Sa Pilipinas, maaaring mabili ang ASAP official merchandise sa ABS-CBN Store. Tuwing live episodes ng Linggo, mabibili ang items sa ABS-CBN Audience Entrance. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa ABS-CBN products, bumisita sa store.abs-cbn.com o sa facebook.com/ Para sa karagdagang detalye kaugnay ng "ASAP Live in Dubai," bumisita lamang sa www.facebook.com/ End
Account Email Address Account Phone Number Disclaimer Report Abuse
|
|