Christine Reyes at Aiza Seguerra, ginulat ang TFC subscribers

Kapamilya stars, naglaan ng oras at naghatid ng saya para sa mag-asawang Pinoy sa Lion City
 
Nov. 26, 2012 - PRLog -- Isang ordinaryong araw lang ang October 12 para kay Joseph Sison at sa asawa nitong si Lilybeth kung tutuusin hanggang sa isang katok ang gumulat sa kanila alas-9 ng gabi.  Laking gulat na lang nila nang bumulaga sa kanilang pinto sina ASAP Rocks Sessionista Aiza Seguerra at sultry singer-actress Christine Reyes sa kanilang bahay sa Tampines street sa Singapore, dalawang araw bago ang successful na ASAP 2012 sa sa Singapore.  Ang pagbisita ng dalawang kapamilya stars ay bahagi ng pasasalamat ng The Filipino Channel (TFC) sa mga loyal subscribers nito tulad ng Sison couple.

Ayon kay Lilybeth, simula pa noong 2007, kadarating pa lang nilang mag-asawa sa Singapore, ay nakikinuod na sila ng TFC sa bahay ng kanilang kaibigan.   Pagdating ng ina ni Joseph at mga anak nila ni Lilybeth sa Lion City, tuluyan na silang nag-subscribe sa TFC via StarHub TV.  Number one choice ng Sison couple ang TFC dahil sa mga entertaining shows nito at news tungkol sa mga pangyayari sa Pilipinas.

Kahit busy si Joseph at Lilybeth bilang workers at migrants sa Singapore ay connected pa rin sila sa Pilipinas dahil sa TFC. Sa TFC via StarHub Cable TV, napapanuod ng mag-asawa ang  da best ng ABS-CBN shows at stars pati ang latest happenings tungkol sa Pilipinas.  Dahil dito, loyal na loyal kapamilya sina Joseph at Lilybeth hanggang ngayon.

Bukod sa news programs, avid fans ang buong pamilya ni Joseph ng mga teleserye ng ABS-CBN kasama na rito ang Walang Hanggan na tinutukan ng kanilang ina araw-araw. Si Lilybeth naman ay fan ng ASAP.

Ang customer visit ay hatid ng TFC at StarHub TV bilang pasasalamat sa mga loyal subscribers nila.  Bahagi ng partnership ng dalawang media giants ang pagdala ng paborito ni Lilybeth na ASAP 2012 sa Singapore sa Max Pavillion noong October 14.  Busy man sa kanilang rehearsals para sa show ay sinadya nina Aiza at Christine sina Joseph at Lilybeth para maibahagi ang kanilang konting oras na ikinatuwa naman ng mag-asawa.

Aminadong ASAP fan din si Joseph.  Ang pagbisita ang isa sa pinaka-nakakagulat na pangyayari sa kanyang buhay.  Kitang-kita sa kanyang mukha ang pagkasorpresa. “Na-excite talaga kami nang makita namin si Aiza at Christine,” ani Joseph. Dagdag pa niya “Ang cool ni Aiza at napakabait ni Christine.”

Si Joseph ay isang IT personnel na nakatutuk man sa kanyang computer buong araw ay may panahon din para sa musika.  Dahil dito ay hindi niya pinalampas ang tsansang magpapirma ng kanyang gitara kay Aiza at magpakuha ng picture kay Christine.

Ayon kay Aiza, hindi ito ang unang pagkakataon na siya ay napadpad ng Singapore.  Dati ay nag-perform na siya rito para sa isang musical play.  Ngunit ayon kay Aiza “kahit saan ako magpunta, warm pa rin ang mga Pinoy na panay ang bati ng ‘kabayan!’”

Pangalawang TFC event naman ito ni Christine na kagagaling lang sa isa pang successful ng TFC na event sa London.  Bago ang ASAP 2012 sa Singapore, ipinahayag ni Christine “Excited akong makitang muli yung mga kababayan natin.”  Ayon sa official statement ng TFC, isa na ito sa pinakamalaking event sa Asia-Pacific ngayong taon.  Humigit-kumulang na 11,000 na Pinoy at non-Pinoys ang nakisaya sa ASAP 2012 in Singapore.

Bilang bahagi ng kanila customer visit, binigay nina Christine at Aiza ang VIP tickets para kina Joseph and Lilybeth sa ASAP 2012 sa Singapore kung saan naki-jamming din ang mag-asawa.  

Sa kanilang bahay, kasama na ni Joseph ang kanyang ina at ang maliit nilang pamilya ni Lilybeth.  Pero ayon kay Lilibeth, ang kaniyang pamilya ay nasa Pilipinas pa rin.  Kaya naman, malaking tulong ang TFC sa kanya.  “Dahil nasa Pilipinas sila, nanuod ako ng TFC para malaman ang nangyayari sa Pilipinas – kung paano na sila ngayon at kung kumusta na sila.”

Sa Disyembre naman ay uuwi ang mag-asawa, excited na makita ang studios kung saan shinu-shoot ang kanilang paboritong programa sa TFC at masaya dahil muli nilang makikita ang pamilya ni Lilybeth.

Nakakagulat talaga kung tutuusin ang madalaw ng paboritong artista.  Ngunit isang bagay ang sigurado – ang nakatutuwang reaksiyon sa mukha ng mag-asawang Joseph at Lilybeth at ang mas malalim pa nilang kuneksiyon sa pamilya at Pilipinas sa pamamagitan ng TFC.
End
Source: » Follow
Email:***@abs-cbn.com Email Verified
Zip:1103
Tags:ABS-CBN Global, Tfc, Christine Reyes, Aiza Seguerram Singapore
Industry:Media
Location:Quezon City - Metro Manila - Philippines
Account Email Address Verified     Account Phone Number Verified     Disclaimer     Report Abuse
ABS-CBN Global Ltd. PRs
Trending News
Most Viewed
Top Daily News



Like PRLog?
9K2K1K
Click to Share