Pinakikilala ang inyong pinakabagong kapamilya sa larangan ng pagpapadala

Pagmamahal mo, Ipadala Mo sa TFC Kapamilya Box! Powered bySky Freight
 
 
Kbox flyerLR
Kbox flyerLR
 
Spread the Word
Listed Under

Tags:
ABS-CBN Middle East
The Filipino Channel

Industry:
Media

Location:
Dubai Media City - Dubai - United Arab Emirates

Subject:
Products

Aug. 7, 2012 - PRLog -- Ipinakikilala ng The Filipino Channel (TFC) ang  pinakabago nitong kapamilya sa larangan ng padala – ang TFC Kapamilya Box! Powered by Sky Freight.  Bahagi ng layunin nilang pagibayuhin ang serbisyo sa mga kabayan sa Gitnang Silangan,  nagsanib puwersa ang nangungunang Filipino network sa buong mundo - The Filipino Channel (TFC) at ang pinagakatiwalaang pangalan sa larangan ng courier service sa Middle East - Sky Freight Forwarders, upang buksan ang pinakabago at pinakakakaibang TFC Kapamilya Box!


“Out-of-the-box” o naiibang matatawag ang TFC Kapamilya Box, dahil maari nang ibahagi ng mga TFC subscribers ang kanilang  mga padala na may selyo ng kanilang pagmamahal at may seguridad ng pinagkakatiwalaang mga pangalan.  Ang TFC Kapamilya Box ng Skyfreight ang kauna-unahang cargo service na may Triple-SMS Alert System, 24/7 Customer Hotline at Online Greeting and Thank You Service.


Sa Triple-SMS Alert System, makakatanggap ang mga senders ng status ng kanilang padala mula sa pag-alis nito sa Middle East hanggang sa matanggap ito ng kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Puwede rin silang tumawag anumang araw, anumang oras sa mga TFC Kapamilya Box hotlines at siguradong may sasagot sa kanilang mga inquiries.


Samantala, sa Online Greeting at Thank You Service, espesyal nang maipararating ng mga senders at recipients ang kanilang natatanging mensahe at espesyal na pasasalamat sa isa’t isa. At di lang yan, dahil linggo-linggo itatampok pa sa TFC ang mga pinak-heartwarming at creative na mensahe. Ang service na ito ay available sa mga senders at recipients sa  www.kapamilyabox.com.


Marami pa ang sorpresa sa pagbubukas-serbisyo ng TFC Kapamilya Box.  Simula August 1 hanggang October 31, may 5% discount ang mga TFC subscribers na magpapadala.  Maaari ring magkaroon ng pagkakataon ang mga suwerteng customers na i-deliver ng isang Kapamilya Star ang kanilang padala sa kanilang mga tahanan!


Ang TFC Kapamilya Box ng Skyfreight ay available sa KSA, UAE at Qatar papunta sa anumang lugar sa Pilipinas. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa padalang hatid ng TFC Kapamilya Box ng Skyfreight, bumisita lamang sa www.kapamilyabox.com.  Para naman mag-subscribe sa TFC, bumisita sa pinakamalapit na TFC dealer kabilang na rito ang Sky Freight o bumisita sa www.abs-cbnglobal.com
End
Source:ABS-CBN Global Ltd., ABS-CBN Middle East FZ, LLC
Email:***@abs-cbn.com Email Verified
Phone:02 415 2272
Zip:1103
Tags:ABS-CBN Middle East, The Filipino Channel
Industry:Media
Location:Dubai Media City - Dubai - United Arab Emirates
Subject:Products
Account Email Address Verified     Account Phone Number Verified     Disclaimer     Report Abuse
ABS-CBN Global Ltd. PRs
Trending News
Top Daily News
Top Weekly News



Like PRLog?
9K2K1K
Click to Share