World-class talents at libu-libong Pinoy,nagsama-sama para sa TFC20th anniversary sa ASAP Live in LA

October 11, 2014 sa Los Angeles, hinirang na “ABS-CBN TFC ‘ASAP Live in LA’ Community Empowerment Day’
 
LOS ANGELES - Oct. 17, 2014 - PRLog -- Bilang malaking bahagi ng year-long celebrations ng ika-20 na anibersaryo ng The Filipino Channel (TFC) at bilang patuloy na pagpupunyagi sa ‘Galing ng Filipino’ saan man sa mundo, pinagsama-sama ng premyadong network ang world-class Kapamilya at Fil-Am stars at mga Filipinos sa U.S.A. sa pinakamalaking pagtitipon sa Los Angeles, California, ang “ASAP Live in LA” noong October 11.

Dinagsa ng libu-libong Pinoy fans mula sa iba’t-ibang parte ng Amerika at karatig-lugar ang LA Memorial Sports Arena para mapanood ang kanilang mga paboritong mga performers sa isang one-of-a-kind celebration.  Humigit-kumulang sa 12,000 na mga Pinoy ang nakisayaw at nakikanta kasama ang mga ASAP stars sa pangunguna ng TFC 20 Ambassador at Mr. Pure Energy Gary Valenciano kasama ang mga icons na sina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, at Vina Morales; heartthrobs na sina John Lloyd Cruz, Sam Milby, Gerald Anderson, at Piolo Pascual; singing champs Erik Santos, Angeline Quinto, Morisette Amon, Klarisse de Guzman, Jovit Baldovino, at Yeng Constantino; dance floor aces Maja Salvador, Rayver Cruz, Shaina Magdayao, Iya Villania, Rayver Cruz, John Pratts, at Enchong Dee; hosts na sina Robi Domingo, Toni at Alex Gonzaga; young stars na sina Julia Barretto, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Kim Chiu, at Xian Lim; ASAP Sessionistas Richard Poon, Juris, Sitti Navarro, at Aiza Seguerra, teleserye Princess Jessy Mendiola, at world-class performers Bamboo at Charice Pempengco.

Sinimulan ang selebrasyon sa isang malaking opening number na medley ng mga Original Pilipino Music (OPM) at American hits na nagbibigay pugay sa pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos.  Highlight rin ng selebrasyon ang pagsasama-sama ng mga Kapamilya stars at Pinoy Hollywood celebrities. Nagmistula ring isang malaking song and dance party ang LA Memorial Sports Arena nang nag-perform ang mga Fil-Am international superstars na sina Apl de ap ng Black Eyed Peas at Jessica Sanchez na runner-up ng Season 11 ng American Idol.

Ikinatuwa at ikinagulat din ng mga Filipino fans ang surprise performances ng mga U.S.-based Filipino artists gaya nina Jam Morales, Ella Mae Saison, Carol Banawa, at Tootsie Guevarra.  Kasama rin sa mga dumalo at pinasalamatan ang mga Fil-Am personalities na nagpatunay ng kanilang galing sa Amerika sa iba’t-ibang aspeto at industriya na sina Tia Carrere, Reggie Lee, Mark Nicolas, Fritz Friedman, at Cher Calvin.

Bilang selebrasyon ng ika-20 na anibersaryo ng TFC, ibinahagi rin ni Gary V ang anniversary theme na “Galing ng Filipino” na damang-dama ng bawat Filipino sa makasaysayang venue.  Nagsimula noong Abril ang celebrations ng TFC sa California at mula noo’y nilibot na ng tinagurian ding Total Performer ang buong mundo, mula Middle East, Europe, Australia, New Zealand, Guam, hanggang sa Asia-Pacific, upang ipagpupunyagi ang lahing Pinoy at ibahagi ang ‘Galing ng Filipino.’

Buong galak namang isinaad ni ABS-CBN Global COO Raffy Lopez na sa loob ng dalawampung taon ay walang sawa pa rin ang suporta ng mga Filipino, saan man sa mundo, sa TFC.  Aniya, “Lubos na nakakatuwa at nakaka-inspire na naging bahagi ang TFC ng buhay ng mga Filipino communities sa loob ng matagal na panahon.  Malakas ang paniniwala ko na magtatagal pa ang samahang ito ng higit pa sa dalawang dekada.”

Hinirang naman ng Los Angeles Mayor na si Eric Garcetti ang October 11, 2014 bilang “ABS-CBN The Filipino Channel’s ASAP Live in L.A. Community Empowerment Day” dahil na rin sa promotion ng “ASAP Live in LA” sa lungsod, sa Fil-Am synergy sa Los Angeles, na kilala bilang isang diversified city, at lalo na para sa nalalapit na U.S. elections sa November.

Ayon sa pahayag ni Hollywood actress na si Carrere sa Balitang America, “Talagang kakaiba ang ASAP.  Isa itong napakalaking concert party.  Andito sina Apl, Charice, Jessica, at iba pang mga Filipino celebrities.  Masayang-masaya ako at nakilala ko sila.  Damang-dama ang energy dito sa tatlong oras ng non-stop party.  Aabangan ko talaga ito sa telebisyon.”

Huwag papalampasin ang malaking selebrasyon ng ‘Galing ng Filipino’ sa “ASAP Live in LA” na mapapanood sa TFC worldwide sa October 19 at 26.  Maaari ring mapanood ang one-of-a-kind event sa official online service ng TFC, ang TFC.tv matapos ang Philippine airing nito at sa video-on-demand o VOD (Internet Protocol television o IPTV) service ng TFC na available sa U.S.A., Canada, Europe, Australia, New Zealand, at Japan.  Maaari ring bisitahin ang www.TFC20.com/ASAP para sa iba pang karagdagang detalye.

Contact
415 2272
***@abs-cbn.com
End
Source: » Follow
Email:***@abs-cbn.com Email Verified
Tags:Tfc, ASAP Live in LA, Gary V, KathNiel, Asap
Industry:Entertainment, Media
Location:Los Angeles - California - United States
Account Email Address Verified     Account Phone Number Verified     Disclaimer     Report Abuse
ABS-CBN Global Ltd. PRs
Trending News
Most Viewed
Top Daily News



Like PRLog?
9K2K1K
Click to Share