Haharapin na ni Bea Alonzo ang katotohanan sa sub-titled version ng “Magkaribal” sa TFC

Pinakaaabangang eksena sa inaasahang ‘Wedding of the Year,’ matutunghayan na sa “Sub-titled Classics Presents: Magkaribal”
 
QUEZON CITY, Philippines - May 28, 2014 - PRLog -- Ngayong buwan ng Hunyo, matutunghayan na ang mga pinakamaiinit na eksena sa sub-titled version ng pinagusapang fashionserye na “Magkaribal” sa The Filipino Channel (TFC).

Matapos pumayag ni Gelay (Bea Alonzo) na pakasal kay Louie (Derek Ramsey), namanhikan ang kababata kasama ang mentor na si Mang Oca (Levi Ignacio), kina Mang Hermes (John Arcilla) at Sonia (Arlene Muhlach).  Dahil dinadala ni Victoria (Gretchen Barretto) ang anak nila ni Louie, hindi sumangayon ang ama-amahan ni Gelay sa kasal.  Bukod at higit pa kay Mang Hermes, kinausap ni Victoria si Gelay para huwag ng ituloy ang kasal dahil sa bata.  Ngunit para kay Gelay, tuloy ang kasal.  Sa araw ng kasal, agaw-eksenang muli si Victoria dahil hiniling nitong itigil ni Louie ang kasal.  Nang tangihan ng dating kasintahan, nalagay sa panganib ang kanyang pagdadalantao.   Mapapanood ang episode sa June 8 (June 7 Riyadh at London time).

Mas kapana-panabik pa ang mga susunod na eksena kung saan malalaman ni Gelay na muli na namang piniling makapiling ni Louie si Victoria nang sinugod ang huli sa ospital.   Nilisan ni Gelay ang kasal upang iwasan ang kahihiyan at takasan ang mapanuring mata ng mga bisita.  Samantala, nang tanungin kung sino ang pipiliing buhayin, pinili ni Louie si Victoria sa sariling anak.  Sa pagkakataong ito, hindi man niya gustong buhayin ang bata noong una, lubos na nalungkot si Victoria.  Mapapanood ito sa June 15 (June 14 Riyadh at London time).

Sa susunod na linggo, June 22 (June 21 Riyadh and London time), tatakbo si Gelay sa tinuturing niyang best friend na si Caloy (Enchong Dee).  Bagama’t problemado din dahil sa pagnanais na makapiling muli ang ikakasal na na si Chloe (Erich Gonzales), dinamayan ni Caloy ang kaibigan.   Matapos ang ilang tawag mula kay Louie, kinausap ni Gelay si Louie at sinabing, kalimutan na nila ang lahat at magsimula na sila ng panibagong buhay, malayo sa isa’t-isa

Sa huling linggo, June 29 worldwide at June 28 Riyadh at London time, malalaman ni Victoria na hindi lang si Louie ang nanloko sa kapatid na si Gelay na ngayo’y kilala niya bilang karibal, kung hindi pati na ang business partner ng huli na si Mark (Edwad Mendez).  Samantala, imbes na malugmok sa kalungkutan, ginamit ni Gelay ang pagkakataon upang magdiwang at magsimulang muli.

Panoorin ang mga kapana-panabik na mga eksena sa TFC’s “Sub-titled Classics presents: Magkaribal” tuwing Linggo (Sabado sa Riyadh at London) ngayong Hunyo sa TFC.

Saksihan ang mga pinakakaabangang eksena sa sub-titled version ng iconic fashionserye para sa non-Filipino speaking viewers sa official online service ng TFC, ang TFC.tv, anytime anywhere.  Maki-connect sa kapwa global Kapamilyas.  Visit www.facebook.com/KapamilyaTFC, www.twitter.com/KapamilyaTFC and www.instagram.com/Kapamilya TFC

Contact
ABS-CBN Global Ltd.
***@abs-cbn.com
End
Source: » Follow
Email:***@abs-cbn.com Email Verified
Tags:Tfc, Magkaribal, TFC Sub-titled Classics, Bea Alonzo, Magkaribal sub-titled
Industry:Entertainment, Media
Location:Quezon City - Metro Manila - Philippines
Account Email Address Verified     Account Phone Number Verified     Disclaimer     Report Abuse
Page Updated Last on: May 29, 2014
ABS-CBN Global Ltd. PRs
Trending News
Most Viewed
Top Daily News



Like PRLog?
9K2K1K
Click to Share