“Stars on 45” ng “It’s Showtime,” ihahatid ng TFC Load-n-Watch powered by Cloudfone sa HK

 
QUEZON CITY, Philippines - May 9, 2014 - PRLog -- – Ihahatid ng The Filipino Channel (TFC) at ng TFC Load-n-Watch powered by Cloudfone, ang isa sa pinakasikat na segment ng “It’s Showtime,” ang “Stars on 45” sa Hong Kong sa May 11, Linggo upang maipakita ng ating mga kababayang overseas Filipinos ang kanilang galing at talento sa pag-awit.  Ang “Stars on 45: Hong Kong Edition” ay bahagi rin ng year-long 20th anniversary celebrations ng TFC.

Labing dalawang ‘forty something’ na finalists na napili mula sa iba’t-ibang Filipino organizations sa HK ang magtatagisan para tanghaling kauna-unahang kampiyon ng “Stars on 45: Hong Kong Edition.”  Ang mananalo ay makakatanggap ng HK$5,000, chance na ma-feature sa isa sa mga shows ng TFC, at ng bagong TFC Load-n-Watch device.  Ang mga finalists na maglalaban-laban ay sina: Josephine Bigata (OFW HK Singers Association), Lowelyn Adu (Sarranetas HK – Ilocos Norte Association), Jane Suba (Dapwa Association), Fely Forges (Vigan Assocation), Christina Intia (The Voices HK group), Teresa Villabos (St. Joseph Church – FCG), Isabel Siagan, Lenie Genese (Lamtin Church group), Ismaelita Macajeto (Hikers Group), Carmelita Gonzales (Migrant Workers Association), Liza Parantar (Twin Ann Salon Group) and Rosario Kilakiga (Visayas Mindanao Dance Ensemble).

Tulad ng segment sa programang “It’s Showtime,” bawat kalahok ay bibirit ng dalawang awitin: isa mula sa 80’s at isa mula sa taong 2000 hanggang sa kasalukuyan.  Dalawang hurado ang magbibigay ng kanilang scores mula one to ten kung saan ten ang pinakamataas na score at one ang pinakamababa.   Mabibigyan din ng chance ang mga manunuod ng event na makisali bilang madlang pipol hurados sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang mga scores matapos ang bawat performance.

MAS PINABILIS NA TFC LOAD-N-WATCH
Ang gaganaping “Stars on 45: HK Edition” sa Linggo ay bahagi ng launch ng bagong cable downloading system ng TFC Load-n-Watch.  Ito ang mas pinabilis na pag-download ng mga affordable content bundles mula sa Cloudfone store (located din sa Worldwide House) sa mga Cloudfone Excite 402D devices.

Ang TFC Load-n-Watch ang breakthrough solution para sa mga information at entertainment needs ng mga kababayan sa HK na on-the-go.  Sa pamamagitan TFC Load-n-Watch, mae-enjoy nila ang mga Kapamilya shows, saan man sila naroroon, kahit na wala silang internet access.

Bilang patunay sa tuluy-tuloy nitong serbisyo para sa mga Kapamilya sa HK, pinabilis ang pag-download para sa mga customers na bumili at nais pang bumili ng smartphone at content bundles.

Ayon kay ABS-CBN Global Ltd. Regional Marketing Head for Asia-Pacific Irene Acosta, “This is definitely faster than the previous wi-fi downloading system.  What our Kapamilyas need to do is to just have their Cloudfone Excite 402d devices plugged to the cable ports in the store, wait for the download to finish for about 10 to 12 minutes and then enjoy watching their TFC Load-n-Watch bundles, hassle-free.”

DRAMAGNIFICENT SA SAYA
Ipakikilala din ng TFC Load-n-Watch powered by Cloudfone ang bagong drama bundle para mapanood ng mga Kapamilya sa HK ang mga bagong teleserye sa Pilipinas.  Bukod sa mga existing content bundles, hatid ng pinakabagong bundle na Dramagnificent ang mga maiinit na weekly episodes ng “Dyesebel,” “Ikaw Lamang,” “Mirabella,” at “Moon of Desire.”  Maliban sa Dramagnificent, available din ang mga sumusunod na drama bundles: Dramadness (weekly episodes ng “Maalaala Mo Kaya,” “Be Careful With My Heart, “Galema,” at “The Legal Wife”); Dramathon na naglalaman ng mga classic teleseryes (weekly episodes ng “Got to Believe," "Ina Kapatid Anak,” “Annaliza,” “Juan Dela Cruz,” at “Be Careful With My Heart”); at Pinay Pride (weekly episodes ng “Gandang Gabi Vice," "KrisTV,” "TV Patrol," “Kabuhayang Swak na Swak,” at “ASAP ’19”).

Bilang pasasalamat sa mga kababayan sa HK para sa kanilang patuloy na pagsuporta sa TFC Load-n-Watch, makakatanggap ang new at existing customers ng exclusive Kapamilya gift.

Para sa iba pang information tungkol sa TFC Load-n-Watch powered by Cloudfone, bisitahin lamang ang Cloudfone store sa Shop 324, 3rd floor, Worldwide House.  Maki-connect sa mga global Kapamilyas, visit www.facebook.com/TFCHongKong, twitter.com/KapamilyaTFC
instragram.com/KapamilyaTFC

Contact
ABS-CBN Global Ltd.
***@abs-cbn.com
End
Source: » Follow
Email:***@abs-cbn.com Email Verified
Tags:Tfc, TFC Load-n-Watch, Kim Chiu, Anne Curtis, Julia Barretto
Industry:Entertainment, Media
Location:Quezon City - Metro Manila - Philippines
Subject:Features
Account Email Address Verified     Account Phone Number Verified     Disclaimer     Report Abuse
Page Updated Last on: May 09, 2014
ABS-CBN Global Ltd. News
Trending
Most Viewed
Daily News



Like PRLog?
9K2K1K
Click to Share