“ASAP Live in Dubai,” pasabog na handog ng TFC ngayong 2014

Kapamilya stars, magpapasaya ng mga Pinoy sa Dubai, Middle East
 
DUBAI MEDIA CITY, UAE - Jan. 14, 2014 - PRLog -- Susugod ang naglalakihang ASAP Kapamilyas sa Dubai sa unang pagkakataon para sa gaganaping “ASAP Live in Dubai”sa Dubai Festival City sa Biyernes (January 24) bilang espesyal na handog ng The Filipino Channel (TFC) sa global Pinoys ngayong bagong taon.

Higit sa 40 artista ang dadalhin ng TFC, ang network na pinagkakatiwalaan ng mas nakararaming Pilipino, sa tinaguriang entertainment capital ng Middle East para mag-perform sa dalawang pakaabangang shows sa naturang araw sa ganap na 4 p.m. at 9 p.m.  Kasunod ng record-breaking na events ng TFC tulad ng “Rakrakanfest”, “FilExpo,”at “Kapamilya Fiesta,” inaasahang magiging makasaysayan rin ang “ASAP Live in Dubai” dahil idadaos ito sa Dubai Festival City kung saan mga kilalang International Stars na ang nagtanghal.

Kabilang ang Dubai Festival City sa participants ng pinakaaabangang Dubai Shopping Festival (DSF) kung saan isa sa mga official event ang “ASAP Live in Dubai.”   Ang DSF ay isa sa mga pinakamalaking shopping festivals sa buong mundo dahil dito mabibili ang pinakamalaking global brands at mapapanalunan ang naglalakihang mga premyo.

Pangungunahan ang “ASAP Live in Dubai” nina Gary Valenciano,Zsa Zsa Padilla, Vina Morales, Martin Nievera, Charice Pempengco, Bamboo, Jed Madela. World-class performances din ang hatid ng singing champions at awarded recording artists Erik Santos, Jovit Baldovino, Marcelito Pomoy Angeline Quinto, Yeng Constantino, KZ Tandingan, Zia Quizon, Aiza Seguerra, Juris Fernandez, Princess Velasco, Richard Poon at Sitti plus si Cris Bernardo, ang kauna-unahang winner ng worldwide talent competition “TFCKat”sa Middle East.

Kilig factor naman ang hatid ng Kapamilya heartthrobs na sina Piolo Pascual, Sam Milby, Gerald Anderson, Enchong Dee, Enrique Gil, at John Lloyd Cruz at Teleserye Princesses Kim Chiu, Julia Montes, at Erich Gonzales.

Hindi lamang mga kantahan ang matutunghayan dahil makakasama rin sina Rayver Cruz, Iya Villania, at John Pratts ng Supahdance at Maja Salvador atShaina Magdayao ngMASH.

Kukumpleto sa mahabang listahan ng mga naglalakihang artista ang multi-awarded celebritiesna sina Toni Gonzaga, Nikki Gil, Luis Manzano at Robi Domingo at ang Teleserye stars na sina Richard Yap, Jericho Rosales, Cristine Reyes, Jessy Mendiola at Angel Locsin.

Makibahagi sa makasaysayang “ASAP Live in Dubai.”  Panooring ang unang show na gaganapin ng 4 p.m. (gates open at 2 p.m.) at ang pangalawang show na gaganapin ng 9 p.m. (gates open at 7 p.m.).  Mabibili ang mga tickets sa halagang AED 365 para sa Platinum, AED 245 para sa Gold, AED 165 para sa Grandstand at AED 85 para sa General Admission.   Ang bawat ticket ay valid para sa isang show lamang.

Masuwerteng mga TFC subscriber din ang makakapanood ng “ASAP Live in Dubai” kasama ang isang miyembro ng pamilya sa Pilipinas, sa handog ng TFC na “ASAP Sama-Saya in Dubai.”   Ang mananalo ay bibigyan ng round-trip tickets papuntang Middle East, “ASAP in Dubai” front row seats, at four days at three nights’ stay plus tour ng Dubai.  Para sa pagkakataong makilala ang mga paborito mong artista, i-upload lang ang inyong photo na may hawak na tickets (Platinum at Gold) sa official Facebook ng TFC Middle East. Ang may-ari ng mapipiling photo ang siyang mananalo ng exclusive meet and greet passes.

Para sa karagdagang impormasyon at para sa inyong entries, bisitahin lamang ang www.facebook.com/TFCMid-East

Media Contact
415 2272
***@abs-cbn.com
415 2272
End
Source: » Follow
Email:***@abs-cbn.com Email Verified
Tags:ASAP in Dubai, Tfc, Kapamilya Stars, Kim Chiu, Gary Valenciano
Industry:Entertainment, Event
Location:Dubai Media City - Dubai - United Arab Emirates
Subject:Events
Account Email Address Verified     Account Phone Number Verified     Disclaimer     Report Abuse
ABS-CBN Global Ltd. PRs
Trending News
Most Viewed
Top Daily News



Like PRLog?
9K2K1K
Click to Share