Balikan ang kilig moments sa “Be Careful With My Heart” sa TFC Sub-titled Classics

Maya at Ser Chief halata na ang feelings sa isa’t-isa sa sub-titled version ng worldwide hit sa TFC
 
QUEZON CITY, Philippines - Nov. 12, 2013 - PRLog -- Balikang muli ang simula ng romansang kinakikiligan ng buong mundo bago ang pinakaabangang kasalanan ngayong lingo sa “Be Careful With My Heart” sub-titled version sa The Filipino Channel (TFC).  Ngayong buwan sa TFC Sub-titled Classics presents “Be Careful With My Heart” na para sa mga non-Filipino speaking viewers, handog ng premyadong network ang apat na lingo ng episodes kung saan matutunghayan ang simula ng pag-iibigang Ser Chief at Maya.

Sa unang lingo, unti-unti nang nahahalata ang feelings ng Lim household patriarch na si Richard Lim (Richard Yap) para sa kanyang empleyadong si Maya (Jodi Sta. Maria).  Sa lingong ito pinakilalala si Simon (Paul Jake Castillo), dating manliligaw ni Maya.  Sabik sa kakilala sa Maynila, iniwan ni Maya ang alagang si Abby (anak ni Ser Chief) sa bagong kaibigang si Rafi (Maricar Reyes) na siyang nag-suggest na makipagkita ang lovable yaya sa dating manliligaw.  Galit, ngunit halatang nagseselos na pinangaralan ni Ser Chief si Maya nang malaman ito.

Sa susunod na lingo, mas lalong naging close naman si Rafi kay Maya dahil sa problema ng huli sa pag-ibig.  Umuwi ng Pilipinas noong una para umiwas sa dating boyfriend na si Charlie, (Edward Mendez), unti-unti ng namimi-miss ni Rafi ang panunuyo ng dating boyfriend.  Bago maging close kay Rafi, una ng inakala ni Maya na may ugnayan sina Rafi at Ser Chief ngunit mali pala ang akala nito.

Sa isang nakakagulat na pangyayari, umuwi si Charlie para personal na suyuin si Rafi.  Tinanggap ni Rafi ang apology ni Charlie, pati na rin ang alok nito ng kasal.  Samantala, naatasan si Maya at Ser Chief na mag-duet sa despedida ng magkasintahan, na ikinakilig naman ni Maya.  Matutunghayan ang kilig moment na ito sa November 16 (November 17 Australia, Guam, Japan and New Zealand) sa TFC, worldwide.

Sa November 23 (November 24 Australia, Guam, Japan and New Zealand), iginawa ng facebook account ni Luke (Jerome Ponce) at Nikki (Janella Salvador) ang kanilang amang si Ser Chief.  Sa laking tuwa ni Maya, in-add pa nila ang dalaga sa friends list ng kanilang ama.  Samantala, pinagalitan naman ni Ser Chief ang dalawang anak dahil sa maliit lamang na bagay na patungkol din sa social networking site.  Mapapanuod ang episode sa November 30 (December 1 Australia, Guam, Japan at New Zealand),

Panoorin ang patindi na ng patindi na mga eksena sa “Be Careful With My Heart” sa TFC Sub-titled Classics ngayong November, tuwing Sabado sa TFC worldwide (Lingo sa Australia, Guam at New Zealand).  Kiligin sa encounters nina Maya at Ser Chief saan man, kailan man sa official online service ng TFC, ang TFC.tv.  Makikapit-bisig sa ibang global Kapamilyas worldwide sa www.facebook.com/KapamilyaTFC

Media Contact
ABS-CBN Global Ltd.
***@abs-cbn.com
632 415 2272
End
Source: » Follow
Email:***@abs-cbn.com Email Verified
Tags:Tfc, BCWMH, Maya
Industry:Entertainment, Media
Location:Quezon City - Metro Manila - Philippines
Account Email Address Verified     Account Phone Number Verified     Disclaimer     Report Abuse
ABS-CBN Global Ltd. News
Trending
Most Viewed
Daily News



Like PRLog?
9K2K1K
Click to Share