1. Latest News
  2. Submit Press Release
  1. PR Home
  2. Latest News
  3. Feeds
  4. Alerts
  5. Submit Free Press Release
  6. Journalist Account
  7. PRNewswire Distribution

Cinema One Global malapit nang 'mag-premiere' sa Singapore!

Ang nangungunang cable channel sa Pilipinas malapit nang mapapanuod sa TFC via Starhub

 
 
_MG_9604
_MG_9604
PRLog - Oct. 12, 2012 - Matapos ang ilang taon ng pag-eenjoy ng TFC, may pakakaabangan na namang bagong channel ang ating mga kababayan sa Singapore – ang Cinema One Global.  Sa mga darating na buwan, mapapanuod na ang nangununang cable channel sa Pilipinas sa TFC via Starhub cable.

This quarter, magmimistulang sinehan ang mga tahanan ng mga Pinoy sa Singapore na may TFC via Starhub dahil ipapalabas na ang pinakamalaking pelikula mula sa Pilipinas mula sa blockbuster films hanggang sa mga award-winning na independent films.  Masasabing pinakamalaki ang library ng mga pelikula ng Cinema One sa Pilipinas dahil humigit-kumulang na 3,500 movie titles ang nilalaman nito.  Kabilang na rito ang exclusive rights para ipalabas ang Star Cinema movies na naka-line up sa Cinema One Global ngayong taon.  Kasama rin dito ang kilalang mga pelikula mula sa mga pinakamalaking movie outfits sa Pilipinas tulad ng Viva Films, Octo Arts, Seiko Films, Regal Films at iba pa.

Kabilang sa mga naglalakihang pelikulang tiyak na aabangan ay ang blockbuster films tulad ng “No Other Woman,” Segunda Mano at “One More Chance” ng Star Cinema, ‘Enteng ng Ina Mo’ ng Octo Arts Films, “Shake Rattle and Roll’ ng Regal Films at ‘Won’t Last A Day Without You’ at ‘A Very Special Love’ na pri-noduce ng Star Cinema at ng Viva.  Matutunghayan din ang mga award-winning classic films tulad ng digitally restored na “Himala” at “Oro Plata Mata.”

Mula drama, comedy, action, fantasy,indie hanggang horror, tiyak na may may bagong pelikulang aabangan sa Cinema One Global sa mga darating na buwan. Maliban sa mga mainstream movies ay ipapalabas din ng Cinema One ang mga award-winning at inaabangang independent films mula sa Cinemalaya  at Cinema One Originals, ang kauna-unahang film festival na itinayo ng isang movie channel sa Pilipinas.

Hindi lang riyan natatapos ang ihahain ng Cinema One dahil ipapalabas din sa Cinema One Global ang marathon ng catch-up episodes ng top-rating teleseryes kasama na ang mga pinakaabangang ‘A Beautiful Affar,’ Ina, Kapatid, Anak’ at ‘Isla.’  Kaya’t kung hindi mapapanood sa TFC ay may tsansa pang mapanood sa Cinema One Global sa mga susunod na lingo.

Ayon kay Irene Acosta, TFC Regional Marketing for Australia and Asia-Pacific, “ang pagpapalabas ng Cinema One Global sa Singapore ay bunga ng partnership ng TFC at Starhub cable.  Dahil sa mga pelikula, features at teleserye catch-up marathons, mas malawak pa ang Filipino entertainment na mabibigay ng dalawang kumpanya.”

Abangan din ang free preview handog ng Cinema One Global.  Tumawag lamang sa Starhub Hotline 1630 o para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Cinema One Global.

Photo:
http://www.prlog.org/11998519/1

--- End ---

Click to Share

Contact Email:
***@abs-cbn.com Email Verified
Source:ABS-CBN Global Ltd.
Zip:1103
Location:Singapore - Singapore
Industry:Media
Tags:ABS-CBN Australia Pty, ltd, tfc, Cinema One Global
Shortcut:prlog.org/11998519
Verified Account Email Address
Verified Account Phone Number

Disclaimer:   Issuers of the press releases are solely responsible for the content of their press releases. PRLog can't be held liable for the content posted by others.   Report Abuse

Latest Press Releases By “

More...

Trending News...



  1. SiteMap
  2. Privacy Policy
  3. Terms of Service
  4. Copyright Notice
  5. About
  6. Advertise
Like PRLog?
9K2K1K
Click to Share