Sa TFC on Starhub TV on Mobile, mapapanood na ng mga Pilipino ang pinakainaabangang programs na mapapanuod sa Pilipinas sa Channel 2 at kasalukuyan via TFC sa cable service ng Starhub sa Singapore.
Kasama na rito ang top-rating na teleserye sa Pilipinas tulad ng ‘Walang Hanggan,’ ‘Princess and I,’ including the current offering ‘Ina, Kapatid, Anak’ at mga longest-running na shows tulad ng ‘Maalaala Mo Kaya’ tampok ang host nito – ang ABS-CBN Corporation President at Chief Content Officer na si Charo Santos-Concio;
Tampok din sa TFC on Starhub TV on Mobile ang nakakaaliw na variety show na “It’s Showtime” at walang patid na katatawanan sa “Gandang Gabi Vice.” Mapapanood din ang mga award-winning na programa tulad ng Toda Max na kakapanalo lang bilang Best Comedy show sa CMMA awards at award-winning na Current Affairs shows din tulad din ng Storyline, Bottomline, at Patrol ng Pilipino, XXX at iba pang current affairs programs tulad ng Ako Ang Simula. May Talk at Magazine shows din tulad ng Kris TV at Umagang Kay Ganda na magbibigay ng helpful tips at masusing pagtalakay sa mga issues na napapanahon.
Sa halagang SGS 0.50 lamang bawat isang araw (TFC on Starhub TV on Mobile subscription rate per day), mapapanood na ang lahat ng ito sa TFC on Starhub TV on Mobile.
Ayon kay Irene Acosta, Regional Marketing Head ng ABS-CBN Australia Pty Ltd., ang TFC on Starhub TV on Mobile ay pagpapatuloy lamang ng pakikipagtulungan ng Starhub at TFC at pagiibayo ng serbisyo nila para sa mga Pilipino sa Singapore. Dati ay may TFC on cable, ngayon ay may mobile service na.”
Bilang panimula, may free preview na handog ang TFC on Starhub TV on Mobile. Ito ay available hanggang October 31.
Para sa mga interasado, pumunta lang sa StarHub kiosk every Sunday sa Lucky Plaza.
Photo:
http://www.prlog.org/




