1. Latest News
  2. Submit Press Release
  1. PR Home
  2. Latest News
  3. Feeds
  4. Alerts
  5. Submit Free Press Release
  6. Journalist Account
  7. PRNewswire Distribution

TFCkat Hong Kong winner, sasabak na sa Pilipinas Got Talent

TFCkat winner Joy Carbonell at ‘kapamilya’ Xian Lim panalo sa Hong Kong finals

 
 
TFCkat winner Joy Carbonell kasama ang kapamilya s
TFCkat winner Joy Carbonell kasama ang kapamilya s
PRLog - Aug. 31, 2012 - Habang palapit na nang palapit ang pagbubukas muli ng Pilipinas Got Talent, palapit na rin ng palapit ang pagkakataong ipakita ng
The Filipino Channel (TFC) ang pambato nito sa televised auditions mula sa Hong Kong, matapos ang TFCkat finals sa Chater Road, Central.  Sa kauna-unahang major event para sa mga Pinoy nong ika-26 ng Agosto, naglaban-laban ang mga pinakamagagaling na overseas Filipinos sa progresibong rehiyon ng China.  Matapos ang tagisan ng talento at masusing pagsusuri, dineklarang TFCkat Hong Kong winner si Joy Carbonell para sa kanyang nakakatindig balahibong performance.


Matagal-tagal na ring sumasali si Joy sa mga singing competitions at ngayo’y pinalad sa kanyang pagsali sa kauna-unahang worldwide talent search para sa mga Pinoy.  Bilang TFCkat Hong Kong winner, makakasama ni Joy ang winners ng iba pang bansa sa Asya-Pasipiko – Singapore at Guam.  Mula sa Guam ay makikipagtagisan ng galing si Joy kasama ni Pamela Morton ng Guam sa televised auditions ng Pilipinas Got Talent. Malalaman naman ang winner ng TFCkat Singapore ngayong darating na lingo.  Ang tatlo ay ililipad sa Pilipinas ng TFCkat kasama na ang free accommodations at cash prize.


Sa Pilipinas Got Talent na muling pagsasamahan ng nakatutuwang tandem nina Luis Manzano at Billy Crawford, pagsasama-samahin ang pinakamagagaling sa buong Pilipinas at sa buong mundo, sa pamamagitan ng TFCkat.  


Bukod kay Joy, panalo rin ang kapamilya stars sa Hong Kong finals na dinaluhan ng humigit-kumulang 9,000 na mga Pilipino.  Di magkamayaw ang hiyawan sa buong Chater Road sa paglabas at pagawit ng singer-heartthrob na si Xian Lim.  Inspired naman ang mga OFs sa Rockoustic Princess na si Yeng Constantino, isa ring produkto ng reality singing show, ‘Pinoy Dream Academy.’  Walang patid na katatawanan naman ang hatid ng singer-turned director na si Randy Santiago na walang kupas pa rin sa kanyang charm at pag-awit.

Bukod sa entertainment na hatid ng TFCkat finalists at kapamilya stars, nagtalaga rin ang Philippine Consulate ng Overseas Absentee Voting (OAV) booth kung saan nag-register ang mga Pilipino para sa pagkakataong bumoto sa nalalapit na eleksiyon.  Ito ay bahagi ng pakikipagtulunga ng TFC sa lokal na gobyerno at OAV secretariat para bigyang daan ang kanilang mga kababayan na maging aktibong parte ng kanilang hinaharap.


Sa huli, hindi lang panalo ang pambato ng overseas Filipinos, kung hindi pati ang mga stars sa mainit na pagtanggap at ang lahat ng kapamilyang nagkaroon ng tsansang makapiling ang kanilang paboritong artista sa TFCkat sa Hong Kong.


Para sa karagdagang impormasyon ukol sa TFCkat bumisita lamang sa www.tfckat.com I-like ang TFC Hong Kong Facebook page na www.facebook.com/TFCHongkong.


Ang TFCkat ay handog ng TFC sa mga  Pilipino sa United States, Canada, Middle East, Europe, Japan, Australia at ilang bansa sa Asia-Pacific tulad ng Hong Kong, Guam at Singapore.  Sa Hong Kong, ang TFC ay mae-enjoy sa pamamagitan ng cable service nito via HKBN at Hong Kong Cable at sa pamamagitan ng mobile service nito via CSL.

Photo:
http://www.prlog.org/11963633/1

--- End ---

Click to Share

Contact Email:
***@abs-cbn.com Email Verified
Source:ABS-CBN Global Ltd.
Phone:02 415 2272
Zip:1103
City/Town:Quezon City - Metro Manila - Philippines
Industry:Media
Tags:tfc, TFCKat, hong kong, TFC Kat Hong Kong, Xian Lim
Last Updated:Aug 31, 2012
Shortcut:prlog.org/11963633
Disclaimer:   Issuers of the press releases are solely responsible for the content of their press releases. PRLog can't be held liable for the content posted by others.   Report Abuse

Latest Press Releases By “

More...

Trending News...



  1. SiteMap
  2. Privacy Policy
  3. Terms of Service
  4. Copyright Notice
  5. About
  6. Advertise
Like PRLog?
9K2K1K
Click to Share