1. Latest News
  2. Submit Press Release
  1. PR Home
  2. Latest News
  3. Feeds
  4. Alerts
  5. Submit Free Press Release
  6. Journalist Account
  7. PRNewswire Distribution

TFCKat, malapit na ring ibunyag ang FINAL 3 sa Middle East!

Ipinakilala na ng kauna-unahan at tunay na worldwide talent show para sa mga Pilipino ang semi-finalists nito!

 
 
TFCKat Semi-Finalists
TFCKat Semi-Finalists
PRLog - Aug. 29, 2012 - Matapos dagsain ng entries mula sa iba’t-ibang bahagi ng Gitnang Silangan ang online audition noong mga nakaraang linggo, inilantad na ng ABS-CBN Middle East FZ LLC (TFC Middle East) sa wakas ang mga semi-finalists ng TFCKat, ang kauna-unahan at tunay na worldwide talent show para sa mga Pilipino saan mang parte ng mundo na may TFC.  Ang sampung semi-finalists ay sina Clark Flores ng Al Kharj, KSA; Jayson Perez ng Riyadh, KSA; Gemma Etrata ng Riyadh KSA; Katrina Remorozo ng Doha, Qatar; Jennifer Uy ng Kuwait; Warren Osea ng Riyadh, KSA; Davy dela Pena ng Dubai, United Arab Emirates; Jay Inocencio ng Dubai UAE; Crisadel Bernardo Dubai, UAE; at Hazel Ursais ng Kuwait.

Para iboto ang inyong paboritong TFCKat semi-finalist online, pumunta lang sa www.facebook.com/TFCMiddleEast, i-like ang fanpage, at i-like ang video ng inyong pambato.

Pwede ring bumoto via text. I-text* lang ang TFCKAT name of contestant at i-send sa mga sumusunod:
4200 for Etisalat subscribers in the UAR (3AED / SMS; 3 votes / sms)
706902 for FriENDI subscribers in KSA (3 SAR / SMS; 3 votes/ sms)
91070 for FRiENDi subscribers in Oman (300 Bz / SMS; 3 votes / SMS)

Magtatapos ang voting period sa August 31, 2012. At sa darating na Setyembre 14, 2012, maghaharap harap na ang FINAL 3 sa finals night na gaganapin sa Club 7 Park Regis Hotel, Dubai sa U.A.E. Dito malalaman na kung sino ang tataguriang TFCKat Regional Winner para sa Middle East.  Para bigyang inspirasyon ang mga pinakatalentadong mang-aawit ng rehiyon, aawitan sila ng sikat na accoustic singer at stage performer na si Nyoy Volante.

Ang mananalo ng TFCKat Regional finals ay makakakuha ng cash prize; round-trip-ticket with free accommodation sa Pilipinas para sa tsansang makapag-audition sa Pilipinas Got Talent at tsansang mapanood sa Balitang Middle East at Kabayan Tambayan.

Ang TFCKat ay handog ng ABS-CBN Middle East FZ LLC, SMDC at Western Union sa pakikipagtulungan sa Club Seven at Park Regis Kris Kin Hotel, ang official host partner ng TFCKat Middle East Finals.  Para sa inquiries, tumawag sa Toll Free 800 TFC (800 832) o mag-email sa customerservice_me@abs-cbn.com.  

Iboto na ang inyong pambato para sa kanilang pagkakataong makuha ang titulo bilang  kauna-unahang TFCKat Middle East Winner.

*para subscribers sa UAE, KSA and Oman)

Photo:
http://www.prlog.org/11961697/1

--- End ---

Click to Share

Contact Email:
***@abs-cbn.com Email Verified
Source:ABS-CBN Global Ltd.
Phone:02 4152272
Zip:1103
City/Town:Quezon City - Metro Manila - Philippines
Industry:Media
Tags:tfc, TFCKat, overseas filipinos, ABS-CBN Global
Last Updated:Aug 29, 2012
Shortcut:prlog.org/11961697
Disclaimer:   Issuers of the press releases are solely responsible for the content of their press releases. PRLog can't be held liable for the content posted by others.   Report Abuse

Latest Press Releases By “

More...

Trending News...



  1. SiteMap
  2. Privacy Policy
  3. Terms of Service
  4. Copyright Notice
  5. About
  6. Advertise
Like PRLog?
9K2K1K
Click to Share