1. Latest News
  2. Submit Press Release
  1. PR Home
  2. Latest News
  3. Feeds
  4. Alerts
  5. Submit Free Press Release
  6. Journalist Account
  7. PRNewswire Distribution

Magatatagisan ang pinakamagaling sa TFC KINGDOM CUP – ANG LIGA MO KABAYAN

Pinagsama-sama ng premier Filipino network ang pinakamagagaling ng Saudi Arabia

 
 
tfckingdomcup
tfckingdomcup
PRLog - Aug. 24, 2012 - DUBAI MEDIA CITY, UAE -- Simula ngayong Setyembre, mapapanood at masusubaybayan ang paghaharap-harap sa hardcourt ng pinakamagagaling na koponan ng basketball sa Kingdom of Saudi Arabia - ang kauna-unahang TFC Kingdom Cup 2012.   Binuo ng ABS-CBN Middle East FZ,LLC kamakailan ang tinaguriang “Liga Mo Kabayan” upang bigyang daan na makilala ang husay ng mga basketbolistang Pinoy sa tinaguriang pambansang laro at libangan ng mga Kabayan sa Saudi Arabia – ang basketball.

Layon ng TFC Kingdom Cup na lalong palawigin ang samahan ng mga Pinoy pagdating sa pagsuporta ng kani-kanilang mga pambato sa bawat rehiyon. Marami sa mga maglalaro ay mga dating professional players sa mga collegiate at national leagues sa Pilipinas na nagta-trabaho na sa Saudi ngayon.  Ayon kay ABS-CBN Middle East Regional Marketing Head, Maribel Hernaez, “Gusto din nating kilalanin ang pinakamagaling ng magagaling sa hardcourt ng Saudi sa lingo-linggong mga laro na di lang nila mapapanood sa mga venue sa Saudi kung hindi sa telebisyon din.” Tatakbo ang liga sa loob ng tatlong (3) buwan kung saan anim (6) na nag-gagalingang koponan ang magbabakbakan sa hard court upang maging kauna-unahang TFC Kingdom Cup Champion --  ang Jeddah FBA Vipers at  Jeddah FBA Friendsters ng Jeddah,  Riyadh FAPS Stars  at Riyadh FAPS Blazers ng Riyadh at FIBA Dammam Dragons at UFBF Eastern Oilers ng Dammam.  Sila ay maglaban-laban mula sa Regional Elimination na magsisimula na ngayong Setyembre, hanggang sa Kingdom Finals na gaganapin sa Nobyembre.  

Maliban sa Kampeyonato, gagawaran din ng TFC Kingdom Cup ang “Most Valuable Player”,  “Most Defensive Player”, “Best Coach”, “Mythical Five” at “Kabayan’s Choice Award” para sa most popular player at most popular team.  

Kapartner ng ABS-CBN Middle East sa pagbubuo at paghahatid sa mga kabayan ng TFC Kingdom Cup ang Filipino Athletes and Performers Society (FAPS) ng Riyadh, ang Filipino Basketball Association (FBA) at Filsama Basketball League (FBL) ng Jeddah at ang Filipino International Basketball Association (FIBA) at United Filipino Basketball Federation (UFBF) ng Dammam.

Ang TFC Kingdom Cup ay mapapanood simula Setyembre ng live sa mga tampok na courts sa inyong lugar. Upang mapanuod ng iba pang mga Pilipino sa rehiyon ang tinatayang pinakamalaking basketball league sa labas ng Pilipinas, ipapalabas ang mga laro sa TFC via delayed telecast sa official online service nito - ang TFC.tv at sa BRO Channel.  Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa pinakamalapit na dealer o bumisita sa www.abs-cbnglobal.com

Photo:
http://www.prlog.org/11952089/1

--- End ---

Click to Share

Contact Email:
***@abs-cbn.com Email Verified
Source:ABS-CBN Global Ltd.
Phone:02 4428498
Zip:1103
Location:Dubai Media City - Dubai - United Arab Emirates
Industry:Media
Tags:tfc, TFC Kingdom Cup, ABS-CBN Middle East FZLLC, overseas filipinos, Kabayan
Last Updated:Aug 24, 2012
Shortcut:prlog.org/11952089
Verified Account Email Address
Verified Account Phone Number

Disclaimer:   Issuers of the press releases are solely responsible for the content of their press releases. PRLog can't be held liable for the content posted by others.   Report Abuse

Latest Press Releases By “

More...

Trending News...



  1. SiteMap
  2. Privacy Policy
  3. Terms of Service
  4. Copyright Notice
  5. About
  6. Advertise
Like PRLog?
9K2K1K
Click to Share