1. Latest News
  2. Submit Press Release

TFC’s ‘KABAYAN TAMBAYAN’ : Ang show na kung saan sikat ka, kabayan!

Sali na sa araw-araw, minu-minutong Katatawanan, Kulitan at Kasiyahan Sa Gitnang Silangan

 
 
The Cardio Boys
PRLog - June 6, 2012 - QUEZON CITY, Philippines -- Pagod man sa trabaho o naghahanap lang ng simpleng past-time, ang mga kabayan natin sa Middle East ay laging tutok sa nangungunang Filipino network sa Gitnang Silangan -- ang TFC (The Filipino Channel) para makita ang kanilang paboritong programa’t artista.  At simula ngayong June, mas lalong magiging exciting at nakakalibang ang kanilang mga gabi dahil bubuksan na nito ang pinakabagong “hang-out” sa telebisyon ng ating mga kabayan – ang Kabayan Tambayan. Ayon sa Regional Marketing Head ng TFC Middle East Maribel Hernaez,  “Likas na masiyahin at makukulit tayong mga Pinoy. And given our circumstances of being away from home, yan ang pinaka-mabisang pantanggal pagod sa ating mga OFW.”  

Araw-araw samahan ang Cardio Boys sa sampung minuto ng katatawanan, kulitan at kasiyahan.  Ang Cardio Boys, ay isang grupong sumikat sa youtube sa kanilang pagpo-post ng mga kuwelang video (pati na rin ng kanilang fans) ng kanilang sarili habang sumasayaw suot ang mga nakatutuwang costumes.  Napili sila ng ABS-CBN Middle East FZ, LLC team (“TFC Middle East”) dahil sa kanilang kuwelang samahan at barkadahan.

Bilang pinakabagong tambayan ng ating mga kabayan, makakasama din ng mga Cardio Boys ang mga aspiring K-Tambayers or mga local talents mula sa iba’t ibang panig ng Middle East.   Kahit sinong Pinoy, puwedeng maging sikat sa show na ito. Kung may kakaibang talent tulad ng singing, dancing o pagma-magic, i-video na para mapasali sa segment na MTV o My Tambay Video. Sa Tambayan Happenings naman, magiging tampok ang mga piling community events ng ating mga oranisasyon at grupo, Middle East wide.

Bukod dito, malalagay muli sa spotlight ang ating mga kababayan kapag sila'y nagpapakitang gilas sa pagsubok ng kung anu-anong mga viewer requests tulad ng pagsayaw ng cha-cha bago mag-shoot ng darts hanggang sa pag-ikot ng tatlong boses bago mag-serve ng volleyball sa Kaya mo Ba’to?           

At siyempre, may tsansa rin ang ating mga kababayan na batiin ang kanilang barkada sa Pilipinas (na kalauna’y makikita rin nilang muli sa kanilang sari-sariling mga bakasyon) sa Balik-Barkada. Tiyak na aabangan din ng mga Pinoy sa Middle East tuwing sasalubungin ng Kabayan Tambayan ang mga bagong uwing mga Pilipino sa Balkibayan.  At ilan lang yan sa maraming mga pakulo na hatid ng Kabayan Tambayan.

Sa loob ng sampung minuto, araw-araw, mabubusog ang mga Pilipino sa rehiyon sa mga katatawanang makakatulong makalimot sa mga problema o maibsan ang pagod kahit sa panandalian lang.  Kaya ang tugon ng TFC sa mga Pinoy sa Gitnang Silangan ay pumasok na sa Kabayan Tambayan.  Mapapanuod ang Kabayan Tambayan sa TFC mula Lunes hanggang Biyernes 5:20 a.m. Saudi Time, 6:20 a.m. Dubai Time, at replay 8:20 p.m Saudi Time at 9:20 p.m.Dubai Time.  Para sa mga interesado, tumawag lamang sa pinakamalapit na dealer o bumisita sa www.abs-cbnglobal.com

--- End ---

Click to Share

Contact Email:
***@abs-cbn.com Email Verified
Source:ABS-CBN Global Ltd.
Phone:924 4101
Zip:1103
Location:Quezon City - Metro Manila - Philippines
Industry:Media
Tags:ABS-CBN Global, tfc, middle east, tambayan, Cardio Boys
Shortcut:prlog.org/11893450
Verified Account Email Address
Verified Account Phone Number

Disclaimer:   Issuers of the press releases are solely responsible for the content of their press releases. PRLog can't be held liable for the content posted by others.   Report Abuse

Latest Press Releases By “

More...

Trending News...



Like PRLog?
9K2K1K
Click to Share